| marrying age |
[08|16|08 9:46pm] |
Gacked from KD:
[x] I know how to make a cup of coffee. [ ] I keep track of dates using a calendar. [ ] I own more than one credit card. [ ] I know how to change the oil in my car/bike. [ ] I do my own laundry. [x] I vote every election. [x] I can cook for myself. [x] I think politics is exciting. [ ] I balance my checkbook. [ ] My parents have better things to say than my friends.
total: 4
[ ] I show up for school/college/work everyday early. [ ] I always carry a pen in my pocket/purse. [ ] I've never gotten a detention. [ ] I have never smoked a cigarette. [ ] I have never gotten completely trashed. [x] I have forgotten my own birthday at least once. [x] I like to take walks by myself. [x] I've watched talk shows. [x] I know what 'credibility' means without looking it up. [x] I drink coffee at least once a week.
total: 5
[x] I know how to do the dishes. [x] I can count 1 to 10 in another language. [ ] When I say I'm going to do something I do it. [ ] My parents trust me. [ ] I can mow the lawn. [x] I can make adults laugh without being stupid. [ ] I remember to water the plants. [x] I study when I have to. [ ] I pay attention at school/college. [ ] I remember to feed my pets.
total: 4
[x] I can spell 'experience' without looking it up. [ ] I work out on a regular basis. [ ] I clean up my own mess. [ ] The people at Gloria Jeans know me by name. [ ] my favorite kind of food is takeout. [ ] I have gained weight since middle/high school. [ ] The first thing I do when I wake up is get caffeine. [ ] I cant go out of the store without getting something I don't need. [x] I understand political jokes the first time they are said. [x] I can type quickly.
total: 3
[x] I have realized that the weather forecast changes every hour. [ ] My only friends are from my place of employment. [ ] I have been to a Tupperware party. [ ] I have realized that no one will take you seriously unless you are over the age of 25 and have a job. [ ] I have more bills that I can pay. [x] Most of my friends are older than I am. [ ] I can say no to staying out all night. [x] I use the internet every day. [ ] My wardrobe hasn't changed for a while. [x] I can read a book and actually finish it.
total: 4
4+5+4+3+4
add up all the numbers and repost this as: MY MARRYING AGE IS... 20
tis true. am separated now, though.
|
|
| SUMAMA SA SONA NG BAYAN! |
[07|28|08 1:15am] |
|
|
|
| walang hanggang paalam |
[02|25|08 8:10am] |
this is us.
|
|
| human security act |
[06|22|07 12:11am] |
|
Ang Human Security Act : Bagong Paraan ng Paglalapastangan
 Di pa man naipapatupad ang HSA ay nagaganap na ang mga pampulitikang pamamaslang at panunupil. Sa nalalapit na implementasyon nito sa Hulyo 14 ay waring isasabatas pa ang ganitong pakana ng state terrorism. Kamakailan lamang, ipinasa ng Senado ang Human Security Act o mas kilala sa Anti-Terrorism Bill. Minamadali ng pamahalaan na maipasa ang nasabing batas. Patunay lamang nito ang pagpapatawag ng espesyal na sesyon ng kongreso upang mapabilis ang pagsasabatas nito. Sinasabing nilalayon ng batas na ito na maprotektahan ang mga mamamayan laban sa terorismo. Subalit iyon nga ba ang tunay na ginagawa ng batas na ito? Pinapalawak ang depinisyon ng terorismo sa naturang batas. Sa ilalim ng depinisyon ng batas na ito, ang kahit sinong may masabi ng laban sa gobyerno, ang isang grupong nagpupulong o nagsasagawa ng kilos protesta at maging ang isang simpleng magbabasa ng dyaryong kritikal sa rehimeng Arroyo ay maari nang bansagang terorista, maging nag mga pinaghihinalaang kasabwat nila, at bagkus maari nang ipahuli’t makulong. Sa ganitong sitwasyon, maari ba nating sabihing tunay na makatao ang Human Security Act? O isa lamang itong bagong pamaraan ng pag-aalipusta sa batayang karapatan ng mamamayan? Karapatan ng bawat mamamayan na maghayag ng kanyang saloobin, sa lansangan man o sa ibang larangan. Isinasaad ito mismo sa ating Saligang Batas. Sa ilalim ng Human Security Act, ang mga organisasyong nagsusulong ng batayang karapatan ng mamamayan ay mababansagan na ring terorista at maaring mahuli at ipakulong ng walang anu-ano. Ang mga suspek ng terorismo ay hindi bibigyan ng karampatang proseso at ng “presumption of innocence”. Kasabay nito, maari rin limitahan ang karapatang makapaglakbay at makipag-ugnayan sa ibang tao sa pagpapalagay na ito ay magiging daan sa terorismo. Dito pa lamang sa kaunting mga probisyon ng nasabing batas na una nang binanggit, maliwanag ang palalapastangan sa batayang karapatang pantao ng mga mamamayan. Ang Human Security Act ay isang pagsasabatas sa systematikong paglabag sa mga karapatan ng mga mamamayan. Kasabay ng pagkakapasa ng Human Security Act ay ang patuloy na militarisasyon sa kalunsuran at mga paaralan. Tila binubuhos ng rehimen ang pondo sa militarisasyon habang nanatiliing said ang sektor ng edukasyon. Sa gitna ng kakulangan ng pondo para sa mga pampulikong paaralan at state universities, nanatiling prioridad ng rehimen ang paglalaan ng malaking pondo para sa militarisasyon. Mahigit 88 private schools ang nagpataw ng tuition fee increase (mula 10%-600%) sa pagbubukas ng semester. Kahit mga state colleges at universities ay hindi nakaligtas sa TOFI (tuition and other fee increases). “Ito ay nararapat lamang”, ani ng administrasyon. Malinaw na pagtapak ito sa ating karapatn sa edukasyon. Ipinagkakait ng rehimen ang edukasyon para sa nakararami, sa halip mas pinagtutuunan pa nito ng pansin ang pagpapalawik sa pwersang pangmilitar nito. Maliwanag na anti-kabataan at anti-mamamayan ang Human Security Act at nararapat itong maigting na tutulan. Tinawag tayong mga Atenista bilang mga tao para sa kapwa. Hindi natin maaring hayaan na lamang na mayurakan ang karapatang pantao ng marami mamamayan. Hindi tayo dapat magsawalang kibo na lamang. Bagkus, dapat ay isa tayo sa mga unang titindig upang ipagtanggol ang ating mga karapatan.
IPAGLABAN ANG BATAYANG KARAPATANG PANTAO! TUTULAN ANG HUMAN SECURITY ACT! -MATANGLAWIN
|
|