| [ | Tags | | | rantage2, school2 | ] |
| [ | Current Mood |
| | frustrated | ] |
| [ | Current Music |
| | Pikapika no Taiyou Kana Ueda | ] |
Nakilala si Hero Angeles nang siya ay tanghalin bilang Grand Questor ng Star Circle Quest. Kasabay niyang sumikat si Sandara Park at noong 2004, halos hindi na mapantayan ang kanilang kasikatan. Ngunit nasaan na silang dalawa ngayon? Matapos ang kontrobersiyal na away nila ni Cristy Fermin, bigla na lamang nawala si Hero. Naagaw naman ng Pinoy Big Brother kay Sandara ang atensyon ng publiko. Kung gaano kabilis ang kanilang pag-angat ay siya ring bilis ng pagbagsak nila. Marami na ring baguhan ang nangahas na pasukin ang industriyang pang-aliw ngunit kung mayroon mang nagtagumpay, kakaunti lamang sila. Bakit ba hindi tumatagal ang mga Pilipinong artista ngayon? Isang dahilan ay ang mababang kalidad ng kanilang pag-arte. Nagiging kampihan na ang mga reality TV shows tulad ng Star Circle Quest at StarStruck. Tila nakalimutan na ang importansya ng kakayahan sa pag-arte. Hindi na ang kanilang kakayahan ang nagpapasya kung sila ba ay dapat manalo dahil sa ‘text votes’ na binabase kung sino ang karapat-dapat. Ang ‘text votes’ naman ay binabase ng mga bumuboto sa kanilang personal na pag-husga sa kandidato at dahil iba’t iba ang ating mga opinyon, ang nagwawagi ay kung sino ang mayroong mas maraming kakampi. Madalas ay mas pinipili ng karamihan ang mga magaganda at gwapo tulad na lamang ni Gerald Anderson at Sam Milby na parehong sumikat dahil sa kanilang hitsura. Maraming bumoto kay Sandara sa Star Circle Quest kahit na hindi siya nagtataglay ng tunay na talento. Si Kim Chiu ang nagkamit ng pinakamaraming boto sa Pinoy Big Brother at dahil dito, siya ay sumikat at nag-artista ngunit pareho lamang sila ni Sandara na kahit maraming taga-hanga, halos hindi mo malaman na umaarte na pala. Si Yasmien Kurdi at Rainier Castillo ay parehong produkto ng StarStruck ngunit wala sa kanila ang nakapagbigay ng hustisya sa mga karakter na kanilang ginampanan sa BLEACH. Madaling pagsawaan ang mga artistang hitsura lamang ang pinagmamalaki kaya maraming baguhan ang nagpapa-pansin. Mayroong biglang nagpapalit ng imahe tulad ni Roxanne Guinoo na ngayon ay nagpapa-seksi na. Si Sandara naman ay nagdrama sa telebisyon dahil nadama niya ang malamig na pagtanggap ng publiko sa kanya matapos siyang bumalik mula sa Korea. Nakakalungkot mang aminin ngunit wala sa mga baguhang artista ngayon ang nagpapakita ng tunay na potensyal sa pag-arte. Maaari pa bang magbago ang kalidad ng mga Pilipinong artista ngayon? Makukuha pa ba sa ensayo ang kanilang malamyang pag-arte? Mayroon pa bang mga baguhan na nagtataglay ng tunay na kakayahan sa pag-arte o patuloy bang magiging basehan ang hitsura ng isang tao sa industriyang ito? Hanggang saan ba ang mararating ng mga baguhang artista? Humigit kumulang sampung taon pa ang ating hihintayin bago masagot ang mga katanungang ito. Sa ngayon, wala tayong magagawa kung hindi magtiis sa ating mga napapanood sa telebisyon at mangarap na balang araw, magbabago rin ang ihip ng hangin. - - - - -
Damn Filipino essays. (I picked that topic because I was itching to rant about the local BLEACH dub. XD)
And so today, we passed our essay things and killed ourselves with the Filipino prelim exam. (Also, we had a quiz in English that required us to act and lolz my teacher liked the emotion I showed even if I think I did crap).
I used to be fairly fluent in Filipino (not to brag but I'd like to believe that I am one of the more fluent students in class) because I've spent some seven or eight years of my life in Manila but now, when I hear my cousins speak, I go "....." at them because their Filipino is sooooooo deep. Honestly, I'm nowhere near fluent in the Visayan dialect. I speak in Davao's version of Tagalog and I've been too used to the really barok spelling and grammar here ('buko' becomes 'boko', 'uling' becomes 'oling') that I can no longer write in Filipino properly. I know no one who can really beta for me here (my classmates picked up only very few spelling errors but I feel that I made more mistakes than just that) because everyone else I know sucks in Filipino too. I can't even beta properly because there are so many things I can explain better in English. D:
I think that if this was an English essay thing, I would've been able to write a really good one.... .____. |