sa mga naiwang tuwalya at shampoo
sa amoy ng sabon at kwarto
sa tinuping kumot at kamang gusut-gusot,
nilaro niya ang bunganga ng basong bagong bili
pinasayaw ang alkohol habang pinagmamasdan
ang likido sa pagsunod; sinusundo
niya si Ruth sa kanilang hintayan.
Hindi na niya mapigilan ang bukas--
nababasag ang luha sa kanyang braso
habang pinupulot niya ang mga piraso
ng alinlangan at hinayang. Nagbabakasali
siya sa oras, habang nilalagok ang alak;
siguradong magkikita sila kinahapunan
habang yakap niya sa tabi ang unan,
nilalaro sa paanan ang mantsa sa kama;
unti-unti niyang sinusuyod ang silid
hinahanap si Ruth
sa kanyang isipan.
- Mood:
awake - Music:I AM BACK
- Mood:
chipper
Pagtingin sa Kasalukuyang Eskema ng Literaturang Filipino
Ang pagsusulat ang isa sa mga bagay na nakahiligan kong gawin halos buong buhay ko sa kolehiyo. Ngunit gaya ng ibang tao na nagkakaroon ng pagkasawa sa mga bagay-bagay na paulit-ulit at paikot-ikot na mga kaganapan sa buhay, kasama na rin akong tinangay ng panahon sa unti-unting pagkawala ng libog sa kaibuturang makagawa ng isang obra na makahahakot ng ilangdaang mambabasa at kritiko, subalit, kagaya ng sirkulo ng buhay na gaya nang nabanggit: paulit-ulit at paikot-ikot, isa akong hangal na patuloy na nagsusulat at hindi kumakawala sa bitag ng sining na sa esensya ay hindi naman isang kapani-panising pangyayari sa isang buhay ng tao.
Magulo ang buhay ng literaturang Filipino, ang eskema ng panulaang pinoy ay unti-unti nang nangaglalagasan sa bawat sulok ng rehiyon sa bansa. Paunti-unti na lamang ang nakapag-aambag ng kontribusyon para sa sining ng wika. Isang bagay na nakalulungkot isipin ngunit kailangang tanggapin, ang mga timpalak na gaya ng Palanca, maging ang mga palihang gaya ng UP National Writer’s Workshop o Dumaguete Workshop, ay ilan sa mga bagay na hindi pinalalampas ng maraming kabataan/katandaan, ngunit patuloy ang pagkakaroon ng pagkakagipit sa kung sino ang nararapat na makatanggap ng “edukasyon” sa pagsulat para lamang masabi na may tayog at may tikas ang bawat likha.
Ang pormal na pag-aaral sa pagsulat ang isa sa mga bagay na pilit iniiwasan ng mga manunulat sa kadahilanang ang pagkakaroon ng prosesong pang-akademiko ay hindi gaya nang lapit na nakukuha sa emosyonal na aspeto ng pagkatao. Ngunit marami pa rin ang may pagnanais na mag-aral, ngunit sadyang hindi sapat ang kakayahan ng nasabing departamento upang masustentuhan ang pangangailangan ng mga manunulat. Wala nang nalilibre ika nga, maging pagsusulat ng
bisitahin ang isa pang blag: http://www.angwitawit.blogspot.com
- Mood:
cold - Music:Coldplay - One I Love
Ritwal ang pakikipagniig sa kama gabi-gabi. Ang pagyakap sa unan at pagtatakip sa katawan ng kumot hanggang malunod sa malalim na pagkatulog ang orgasmong inaabangan sa tuwing dadaan sa prosesong ito. Ang paghihintay sa pagdating ng araw ang signos na handa na muling harapin ang panibagong pakikibaka ng buhay. Pagkagising sa umaga, mag-iinat nang pupungas-pungas pa ang mata habang tangan sa diwa ang alaala ng nakaraang panaginip, bagama't hindi buo ang kwentong naiwan sa isipan, may ilang detalye naman ng istorya ang nagsilbing lamat para muli balik-balikan. Panaginip ang nagsisilbing kanbas ng mga kulay ng paghahalo at tunggalian ng realidad at imahinasyon, ng pag-ibig at pagkasawi, ng pagmamahal at pagkagalit--- ng ekstra-ordinaryong buhay.
Iba ang Lunes ngayon sa mga araw na nakagawian. May kung anong bagay dito ang nagsisilbing panimulang larawan upang maitulak na gumalaw ang mga tao, malayang kumilos at maghayag ng kaigihan sa lupang tinigang ng panahon. Tila panaginip ang araw na ito. Iba ang init sa pagkayod ng mga manggagawa; iba rin ang taimtim ng pursige ng mga mag-aaral na masisipag ngunit patuloy ang kaibahan ng pagtingin ng mga tao at studyanteng walang pakinabang sa mundo sa araw na ito, patuloy ang paghahanap ng dahilan upang hindi maiwasan ang katamaran at pagsasawalang-bahala. Walang ibang ginagawa kung hindi pasusuhin ang mga computer shop at mga malls, maging mga pipitsuging tambayan--- para lang makaiwas sa alituntunin na ipinapataw ng buhay [paaralan] at pamantasan.
Ngunit pareho pa rin ang Lunes ngayon sa ibang mga araw para sa mga kapatid na nasa bangketa-- na nag-aaabang ng mga suking bibili ng kanilang sampaguita, retaso, kaning-baboy, bulaklak, diyaryo, kendi, yosi, abaka, tsinelas at kung anu-ano pa. Paulit-ulit ang pag-inog ng kanilang buhay sa ibabaw ng mundong sadyang hindi makatarungan para mamuhay sila ng kapantay sa mga taong maalwan ang buhay. Habang pinanunuod nila ang mga sasakyang paroo't parito sa kanilang animo teritoryong kalsada, tahimik nilang inuusal ang pagkabawas ng polusyon na unti-unting pumapatay sa kanila-- usok na minsa'y nagiging anino ng mga taong patuloy na kumukubabaw sa kanilang kahinaan, usok na minsa'y mistulang kaibigan ngunit kaaway naman na pumapasok sa kanilang katauhan upang magamit sila sa hanapbuhay.
Ritwal ang pagsasabuhay sa mga panaginip na gabi-gabing dinadaan ng isipan. Naghihintay ng orgasmo sa realidad ng oras. Hindi nga lamang matanto kung kailan at papaano isasakatuparan ang bawat detalyeng nabuo ng isang imahinasyon at katotohanan. Malabo kung anong kulay ng buhay ang ihahalo sa perpektong imahe ng paraiso ng dalumat. Ngunit sa huli, lagi't laging mananatili ang mga maliliit na lamat, na paulit-ulit binabalikan--at hinahanapan ng pagtatagpian.
- Mood:
take me please. - Music:Keahiwai - Dangerous
I intentionally wrote it out to be an illegible mess.
You wanted me to write you letters, but I'd rather lose your address
and forget that we'd ever met and what did or did not occur.
Sitting in the station, its all a blur of dancehall hips,
pretentious quips, a boxer's bob and weave.
and here's the kicker of this whole shebang:
You're in debt and completely fooled that you can look into the mirror
and objectively rank your wounds.
Sewing circles are not soley based in trades of cloth:
There are spinsters all around here taking notes, reporting on us as
Information travels faster in the modern age
in the modern age, as our days are crawling by so slowly.
Information travels faster in the modern age
in the modern age, as our days are crawling by so slowly.
Information travels faster in the modern age
in the modern age, as our days are crawling by so slowly.
Information travels faster in the modern age
in the modern age, as our days are crawling by so slowly.
mahal ang araw ngayon.
(kailangang magtipid.:)
- Mood:
you're one pup richer. :) - Music:Death Cab For Ctuie - Someday You Will Be Loved
Well I saw you with your hands above your head
Spinning around, trying not to look down
But you did, and you fell, hard on the ground
Then you stumbled around for a good ten minutes
And I said I'd never seen anyone look so dumb before
And you laughed and said I still know how to turn you on though
You're the only one who
Drags me kicking and screaming through fast dreams
You're the only one who
Knows exactly what I mean
And I probably forgot to tell you this
Like that time when I forgot to tell you about the scar
Remember how uncomfortable that made you feel?
See you're not what I expected
But you're the only one who knows how to handle me
And you're such a great kisser and I know that you agree
You're the only one who
Drags me kicking and screaming through fast dreams
You're the only one who
Knows exactly what I mean
I hope you can forgive me for that time
When I put my hand between your legs
And said it was small
Cuz its really not at all
I guess there's just a part of me that likes to bring you down
Just to keep you around
Cuz the day that you realize how amazing you are
You're gonna leave me
You're the only one who
Holds my hair back when I'm drunk and get sick
You're the only one who
Knows exactly what I mean
You're the only one who
Drags me kicking and screaming through fast dreams
You're the only one who
Knows exactly what I mean
Exactly what I mean
Well I saw you with your hands above your head
Spinning around, trying not to look down
But you did, and you fell, hard on the ground
----------------------------------------
oo nga pala. buti na lang, naalala ko na kung pano makalimot at umiwas. pwede nang hindi magkasala. ayos na kong tinitingnan kayo mula
sa malayo. take note: ang mga palamuti kailanman hindi tumatagal, naglalaon ri't natutubog din ng panahon, matutunaw at mawawala.
mali nang inakala kong kaya kong angkinin lahat ng ginto at pilak sa paligid ko, kahit gano pa ito karami, hindi ko dapat hinangad na kamkamin lahat.
just sunrise, details, understanding---you know i need this a lot, familiarity, and closure
to see and hear another musing, learning--because i'm no intellect, your modesty-
yes, because you are beautiful, in every sense of the word.
no breadtoasts for me tonight. just pills.
your sleeping pills.
- Mood:
i'm one pup weaker, now. - Music:Alanis Morrisette - Ironic
today:
i had FUN looking at nobody's messy-disgusting photos. bitch-fuck.
cheap pizza shop is loved. lake house is *boink* a so-so movie.
i feel bad tonight after this fruitful day for lovers. but i'm glad, nonetheless.
tomorrow:
should future get into my head this early, i terribly need a pay-off.
i will not chew your gum for you, anymore. retard.
and, hey, how do we love again? how do we actually know? blank.
yesterday:
i was starting to write something about the end of my pseudo-writing.
i was having an erotic friendship with someone--no one in particular.
i was kneeling and confessing. i was/am a shit.head
in a heartbeat:
i am proudly sensitive and more irrational as my time gets blinded by her light---
i am leaving myself for my other self---
contradictions are the key to development. i am struggling to find more in me.
in a snap of a finger:
i hope i'm ten years older
and driving----
apple home.
- Mood:
teary - Music:Paul McCartney - This Never Happened Before
[bright eyes]so please forgive what I have done/no you can't stay mad at the setting sun/cause we all get tired I mean eventually/and there's nothing left to do but sleep// I am waiting for the time that I'd be able to think and see none of all these existent dioramas anymore. thanks good heavens for the waiting, and healthy gossiping of your angels.
- Mood:
mommy's leaving. - Music:Bright Eyes - True Blue
- Mood:
so yeah. screw us. - Music:the shins - past and pending
trade off.
widgets and swizzle sticks,
up for grab.
balance.
opportunity cost.
literally, decide to sacrifice.
scarcity.
inflation.
deflate.
deflate.
- Mood:
yebah. adik. - Music:Coldplay - Politik
- Mood:
sleepy - Music:Broken Social Scene - Lover's Spit
four\\twelve--two|thousand|five-twosanmi
(insensitive)
1am\ex/sala-bed(room)-monotonous+exclusi
>bitch*whore\glasses(tin cans)+melodious*english<talks>exploits\\e
- Mood:
aggravated

Katatanggap ko lang kaninang umaga ng kopya ko ng "Ang Akin Lang", isang proyekto ng Philippine Human Rights: Mamamayang Tutol sa Bitay- Movement for Restorative Justice. Yahey. Salamat.
Pagpatuloy nawa ng mga organisasyong ito ang adhikang maisulong ang kamulatan sa pamamaraang makalilinang nang hindi lamang ng pag-iisip at pagiging kritikal kung hindi maging ng pagiging malikhain sa taktika at pagpapahayag. Tandaan nating hindi lamang dapat naikukulong ang mga sarili sa kahon ng pakikipaglaban sa lansangan, bagkus dapat ay kalat sa kabuuang istraktura ng ating kapaligiran. Hindi lamang dapat tayo nagsusulat para sa mga polyeto at propaganda kung hindi sa iba't ibang lunsaran ng pagpapahayag. Ang pagiging kritikal at mulat ay hindi lamang saklaw ng iisang perspektibo, walang dogma ang pagkamulat, walang tinatalunton na iisang pananaw, ang pagiging liberal ay hindi lamang pagiging aktibo sa iisang moda kung hindi pagkakaroon ng kakayahan na maging bukas sa lahat ng pagpapagana ng kritikal na isipan at epektibong paggawa.
- Mood:
kiss muna - Music:Parokya ni Edgar - Order-Taker
Totoo na to. Pasado na talaga ako sa Math 11. Haha. Nakakatuwa. Halos dalawang taon ko ring ipinagdasal, ilang beses akong bumagsak, bwahaha, ngayon wala na talagang makakapigil sa akin sa katuwaan. Minsan, pakiramdam ko ako na ang pinakabobong tao sa buong mundo, sa loob ng klase dahil hindi ko maipasa yun, pero nito rin napagmunihan ko na hindi batayan ang numero para malaman ang kadunungan ng isang tao. Hindi ko alam kung saan na ko pupulutin nito, pero masaya lang talaga ako. Hehe. Adios Math!
- Mood:
happy like the easter bunn - Music:hehehe.
But you...
you write
such pretty words.
But life's no storybook
Love's an excuse to get hurt
and to hurt
Here's a toast of the Baywalk [sunset], where time flies so fast you could not imagine yourself going home. You could just not picture yourself going home, alone. But then, in my case, leaving
- Mood:
moody - Music:Death Cab for Cutie - What Sarah Said
So don't stay mad, just let some time pass
And in the morning you awake feeling new
and if I don't come back
I mean, if I get sidetracked
it’s only cause I wanted to
Keeping up with the moon on an all night avenue
--- Train Under Water, Bright Eyes
I want to go to the beach. Wah. June came [un]expectedly. I am not yet ready for classes. *sigh* I just remember how summer slugged my boredom big time. Bright Eyes is totally engrossing. God, take me out to lunch, please, or we could have dinner, if you want. Bleh.
Anyway, I just had to edit this entry again, See you Economics 11! :D
- Mood:
i'm walking in the rain! - Music:Broken Social Scene - anthems for a seventeen year-old girl
I thought I’d like to let you know how time could possibly make a roundtable about how passé the things that envelops us for some time now. I remember when I was all feeling down two weeks ago; I wrote something about the rain and how it would not stop on May, since then, everything else had turned gray. Small things had gone to seed; I never knew one of them, anyway.
Where do you live again? I used to live in Mars and even befriended Little Prince a long time ago. You should know that. But then again, passing by the little holes is much better than going inside it and then disappear totally. I never knew how to scribble until I was able to determine which is which, how is how and when is when. I learned through the undying miracles of twilight that we really don’t need star dusts to prove that the night sky is beautiful.
Right.
- Mood:
enthralled - Music:Bright Eyes - It's Cool, We Can Still Be Friends
Minsang naisip ko na maaaring mapaboran ang TFI (Tuition Fee Increase) sapagkat ang mga mag-aaral naman sa kolehiyo ng medisina ay nagmumula sa upper middle class ngunit kahit na binubuo nito ang mayorya, kailangan pa ring isa-alang alang ang kapakanan ng mga mag-aaral na walang kakayahang tustusan ang nagmamahalang matrikula. Inaalala rin maaari ng iba ang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo ng medisina kung kaya't nakita nila na kinakailangan na ng pagtaas sa mga gastusin upang matugunan nila ang kompitensya sa ibang pamantasan para mas maging epektibo ang pagtuturo sa mga mag-aaral, subalit kailangan nating tandaan na tayo ay nasa ilalim ng pagpapagana ng gobyerno kung kaya't nararapat lamang na ibigay nila ang mga sagot sa pangangailangan natin sa pagpapalago sa aspetong ito. Kung nagkagayon man na nagkaroon ng demokratikong konsultasyon sa loob ng kolehiyo, marapat sanang isinaalang-alang nila ang bawat perspektibo ng studyante at mga magulang.
Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang naghahangad na maging doktor kung edukasyon ng UP ay hindi na nila matustusan. Paano na lamang? Hindi naman kaila sa atin ang pagtaas ng mga bilihin, at alam nating ito ay bunsod ng pagbabanat ng merkado, kung kaya't lahat ng aspeto sa ating ekonomiya ay naaapektuhan.Ngunit kung paiiralin natin ang kapangyarihan ng konstitusyon sa bagay na ito, sinasaad dito na ang pangunahing prayoridad dapat ng ating pamahalaan ay ang pagtugon nito sa pangangailangan sa edukasyon. HIndi maaaring isantabi na lamang ito, at bawasan nang bawasan ng badyet para lamang itapon sa pagbabayad-utang ng bansa.
Muli, papasok na naman dito ang walang kamatayang isyu tungkol sa pangungutang ng bansa natin, ang pagbabawas sa pangkalahatang badyet, ang pagdederegula sa mga dating institusyon ng gobyerno, pagsasapribado sa mga pamantasan hanggang sa maungkat muli kung papaanong nangamkam ang presidente, nandaya, nang-abuso at hanggang sa kung saang aspeto pa ng pamumulitika. Tandaan natin na ang karapatan natin bilang mga estudyante ay hindi dapat isinasantabi at ipinapawalang bahala na lamang. Ang pagtindig ng boses natin sa pakikipaglaban sa kung ano ang alam nating nararapat para sa atin ang siyang dapat umiral.
Ang pag-iisip ng epektibong alternatibo ang pinakamabisang paraan ngayon para matugunan ang mga kakulangan. Hindi naman siguro masama kung maghahain tay ng mga resolusyon dahil tiyak naman na sasailalim ito sa prosesong demokratiko at bukas na pagtingin. Mangyari sanang maging patuloy ang pag-usad ng mga mag-aaral upang hindi mapahintulutan ang pagtaas ng matrikula at kung anu-ano pang bayarin. Padayon sa lahat!
- Location:sa labas ng bahay
- Mood:
aggravated - Music:Silverchair - Miss You Love
And I do believe it's true that there are roads left in both of our shoes,
But if the silence takes you then I hope it takes me too.
So brown eyes I hold you near, 'cause you're the only song I want to hear
A melody softly soaring through my atmosphere.
- Soul Meets Body, Death Cab for Cutie
----------------------------------------
At mag-isa niyang nilakad ang daang
patungong kanluran, kung saan
naroon ang pagbaba ng araw,
at ang unti-unting pagkakalat
ng dilim sa kalangitan.
sumayaw ang mga estrelya sa tila-patag
na entablado ng kaulapan.
At kumubabaw sa kanyang ulunan
ang luningning ng bawat isa.
ang silangan, kung saan
ang pagbabalik ay bagong pagsisimula.
ay nangagtutulog sa tag-araw,
at nangagtatago sa liwanag ng araw
sa kalangitan.
ang bano.
- Mood:
cold - Music:Placebo - Special Needs
On a night like this, I get to see the flowering of your sweetness. Like when you say the words of a supposed lover, you begin to journey in my mind, you stop in the middle of my heart, and then we meet halfway. You try to water that dry area of my personality, like how the rain pours and the tree catches each and every drop, and then savor.
You used to describe love as something that should be kept exquisite, something that should remain within the reach of your eyes. I asked you to tell me the metamorphosis of an insect, the butterfly, for that matter. I told you how it should be kept; you hold it, you let it stay on your palm, you watch her every move; every flap of her small stunning wings. You've watched how she was when she was barely beautiful, then. You kept her until she became the butterfly that she is now. That's love, i say. And we both agreed, since then.
P.S: kung bakit ngayon ko lang kasi binabasa ang Unbearable Lightness of Being ni
- Mood:
cranky - Music:The Cranberries - Analyze

